Tuwing ika-9 ng Enero, milyong-milyong mga mananampalataya ang nagtitipon-tipon upang papurihan at sumama sa prusisyon ng milgrosong imahe ng Itim na Nazareno patungo sa simbahan ng Quiapo, bilang pagdiriwang sa Araw ng Kapistahan nito at ang paggugunita sa “Traslacion” o ang paglilipat ng imahe mula sa Bagumbayan patungo sa kasalukuyan nitong tahanan sa Quiapo.
Ang Itim na Nazareno ay nagmula sa bansang Mexico na inihatid gamit ang isang Galleon noong 1606. Nang dahil sa mahigit 400 taon nitong pananatili sa bansa, iba’t-iba na ang naging salaysay kung bakit nga ba itim ang kulay ng poon. May mga nagsasabi na isang partikular na kahoy ang ginamit ng manlililok na sa pagdaan ng panahon at umiitim. May bersyon naman na pinintahan ng Mehikanong manlililok ang imahe na tulad sa kulay ng kanyang balat. Hindi rin naialis na maugnay ang kulay ng poon sa mga naging sunog sa Simbahan ng Quiapo. Subalit mas marami ang nagsasabi na ito ay dahil sa isang sunog na naganap sa Galleon patungo ng Maynila mula Mexico.
Unang inilagak ang poon sa Simbahan ng San Juan Bautista sa Bagumbayan. Kinalaunan, inilipat sa Intramuros at naging bahagi ng prusisyon sa Araw ng Palaspas nuon. Ayon naman sa mga pag-aaral, ang paglilipat ng imahe sa Simbahan ng Quiapo mula sa Intramuros ay naganap bago mangyari ang ikalawang sunog ng Quiapo. Ang paglilipat ng poon mula sa Bagumbayan patungong Quiapo ay ang siya ngang tinatawag na “Traslacion.”
Subalit may mga nagsasabi na dalawa ang imaheng dinala mula Mexico. Ang unang imahe ay siyang inilagak sa altar ng simabahan ng Recoletos sa Bagumbayan at dinala sa Intramuros. Ito umano’y nasira ng nuong Pagpapalaya sa Maynila, 1945. Ang ikalawang imahe ang siyang ibinigay sa Simbahan ng Quiapo, ayon na rin sa hiling ng Arsobispo ng Maynila noon na si Padre Basilio Sancho.
Ang prusisyon ng Quiapo ay maituturing na isa sa pinakamatagal na tradisyon ng mga Katolikong Pilipino. Sa tinatayang 200 taon, patuloy parin ang pagdami mga mananampalataya na lumalahok sa nasabing tradisyon.
Tuwing ilalabas si “Señor” para sa prusisyon, nag-aagawan ang mga naka-yapak deboto sa paghila ng “Otso”, ang 50-metrong lubid ng “Andas,” ang karosa ng poon. Pinaniniwalaan rin na mapaghimala rin ang paghawak sa naturang lubid. Ang mga humihila sa karosa ay tinatawag na mga “Mamamasan.” Pilit ring inaakyat ng mga deboto ang andas upag makahawak o maipunas ang kanilang mga puting twalya na pinaniniwalaan na magtataglay ng himala ng poon.
Tanging sa pananampalataya lamang mapapatunayan ang himala ng “Nuestro Padre Jesus Nazareno.” At hindi man nagsasang-ayon ang mga tala nito sa kasaysayan, hindi maiaalis na bahagi na ng tradisyon at pananampalataya ng mga Pilipino ang milagrosong poon. Higit pa rito, ang panatang ito ay hindi lamang pang-isang araw lamang kundi panghabambuhay.
Nuestro Padre Jesus Nazareno, Dinarangal Ka namin.
Nuestro Padre Jesus Nazareno, Nilul’walhati Ka namin.
(Source: jaredramos)
Notes
-
zeuskian liked this
-
sorrowsbehind reblogged this from jaredramos
-
smartkidpinoy liked this
-
puyattuason liked this
-
real-things-happen liked this
-
whrejanlstays reblogged this from jaredramos and added:
masisilayan, mahahawakan...makakadalangin kami...iyo, Poong...
-
whrejanlstays liked this
-
superjanney liked this
-
penguinlovespig liked this
-
bilspectator liked this
-
mylifewithyooo liked this
-
heiressayie liked this
-
extianc liked this
-
youremysweetestgoodbye liked this
-
generalchels liked this
-
ieathumanbrains liked this
-
imprincessyufa liked this
-
imprincessyufa reblogged this from jaredramos
-
sweettielocca reblogged this from jaredramos
-
finger-lessgloves reblogged this from allpraisesjess
-
finger-lessgloves liked this
-
budleighbabberton liked this
-
thisshiningheartforyou reblogged this from jaredramos
-
allpraisesjess reblogged this from jaredramos
-
brentdiones liked this
-
brentdiones reblogged this from jaredramos
-
prettyyounglassie liked this
-
optimisticman liked this
-
bebebebe18 liked this
-
charmspeakme reblogged this from jaredramos
-
litratonijuan liked this
-
forever10atheart liked this
-
princezkaluka liked this
-
adriellelorella liked this
-
adriellelorella reblogged this from jaredramos
-
des-sam-azing liked this
-
des-sam-azing reblogged this from jaredramos
-
starshitcrap liked this
-
iamanshe liked this
-
tolovemeisthetruth liked this
-
wellloved liked this
-
justepicawesomeness liked this
-
fuckyeahcandyflip reblogged this from jaredramos
-
fluxxe liked this
-
ehmsehms reblogged this from jaredramos
-
fancyminds liked this
-
sweetestpain reblogged this from jaredramos
-
vixay29 liked this
-
itsmeczarina reblogged this from idoolooveeyou
-
vixay29 reblogged this from jaredramos
- Show more notes

