Ang Pagpili: Ang Proseso ng pagiging Katipunero
Sang ayon sa salaysay ni Castor De Jesus, pinsang-buo ng asawa ni Andres Bonifacio, sa Philippine Free Press, 1949, hindi basta-basta ang paraan ng pag-anib sa KKK.
Ang Triumvirate ng Katipunan ay sila Ladislao Diwa, Teodoro Plata, at Andres Bonifacio. Ang proseso ng pagkalap ng miyembro ay maihahalintulad raw sa Black Capes of Italy, isang rebolusyonariyong grupo sa Kanluran, na ang isa ay dapat makakuha ng dalawang miyembro. Maihahalintulad natin ito ngayon sa isang Triangle system.
Mayroong paunang halaga na babayaran na napagkasunduan ng mga puno nito na Php 2.00 ngunit hinarang agad ito ni Bonifacio at ipinababa ng Php 1.00. Bukod pa rito, marapat silang sumang-ayon sa 50 sentimos na butaw o buwanang bayad na ipinababa din ni Bonifacio sa halagang 12 sentimos. Ang malilikom ay magsisilbing pondo ng samahan para mapunan ang iba’t ibang gastusin nito.
Dumadaan din sa isang masusing interogasyon ang mga nagnanais na umanib. Sila ay isa-isang ipinapapasok sa isang silid nang nakapiring. Ang laman ng kwarto ay ang mga pinuno at matataas na Katipunero at isang lamesa na may bungo at natulos na kandila, ang punta diamante, ang pluma, at ang aklat ng Katipunan.
Isa lamang ang itatanong sa iyo, Ano tayo noon? Ano tayo ngayon? Ano tayo bukas? May mga ilang manunuri na nagsasabi na ang interogasyon sa Katipunan ay planado. Kumbaga, iskripted. Bago pa man sumailalim rito, kinakausap na ang mga baguhan at tinuturuan sa kung anu ang dapat gawin. Ang proseso umano ay para sa pormalidad lamang.
Matapos ng pagtatanong, ibibigay ang punta diamante para lumikha ng gilit sa braso o kaya naman ay sa palad upang gamitin ang dugo bilang tinta. Ang punta diamante ay isang maliit ngunit napakatalas na punyal na gamit ng Katipunan. Gamit ang pluma, isasawsaw nila ito sa kanilang laman na parang karaniwang tinta at sabay ipipirma ang kanilang pangalan sa aklat ng Katipunan upang pormal na maging bahagi ng samahan.

  1. fyfilipinopride reblogged this from jaredramos
  2. chickolorila reblogged this from jaredramos
  3. dimplesacheeks reblogged this from jaredramos
  4. dianelabis reblogged this from jaredramos
  5. athenaaamargaret reblogged this from jaredramos
  6. jaredramos reblogged this from jaredramos and added:
    Ang Pagpili: Ang Proseso ng pagiging Katipunero Sang ayon sa salaysay ni Castor De Jesus, pinsang-buo ng asawa ni Andres...
  7. tetirotti reblogged this from jaredramos
  8. bayan-ni-juan reblogged this from jaredramos
  9. tumblrmarie1923 reblogged this from jaredramos
  10. boytisoi reblogged this from jaredramos
  11. cornheadedfreak reblogged this from jaredramos
  12. superhumdinger reblogged this from annamaeb
  13. damingstars reblogged this from jaredramos
  14. imsuperbasha reblogged this from jaredramos
  15. itsjamavellanoza reblogged this from jaredramos
  16. silentwriterisme reblogged this from jaredramos
  17. jaaannahh reblogged this from jaredramos
  18. annamaeb reblogged this from jaredramos
  19. underworldmermaid reblogged this from jaredramos